badtrip…. nyeta talaga!!!

•Abril 3, 2008 • 1 Puna

akala ko maganda ang araw na ito para sakin. hindi naman pala at sobrang nakakabadtrip talaga.

kanina habang busy akong magwork lumapit sakin ang isang kaopisina ko. akala ko kung anong importanteng sasabihin nya niyayaya lang pala ako sa swimming para bukas. gusto ko talaga sumama kasi naman bihira lang akong makalabas ng bahay at kasama ang ibang kaibigan. sabi ko magpapaalam muna ako.

nagtext ako sa tatay ng anak ko para magpaalam. na niyayaya akong sumama ng ofismayt ko para mag-swimming overnyt yun. ang nakakainis ang dami pang sinabi na di maganda di na lang ako diretsuhin na ayaw di yung kung ano-ano pang masasakit na sinabi. at ang masama pa inaakusahan pa ako sa hindi ko naman ginagawa. diba talagang asar pag ganun.? napakitid ng utak. tapos ang isa pang kinaaasar ko papiliin ba ako between sa kanya at sa ofismayt ko. tama ba naman yun? kundi ba naman kakitiran ng utak. na meron pang ganito may anak ka na lalabas ka pa sinong mag-aalaga ng anak mo? kaya nga may yaya eh anong silbi ng yaya kung di sya mag-aalaga.

ganun ba talaga pag may anak ka na? wala ka ng karapatan sa lahat? wala kang karapatang lumabas at magliwaliw minsan? na di ka dapat pagkatiwalaan? unfair naman yun diba?

tapos pagdating sa pera ku-kwentahan ka pa. hellllooooo……… nagta-trabaho din naman ako. wala ba akong karapatang gumastos?

nakakabadtrip talaga….ang hirap ng taong di makaintindi at sarili lang ang iniisip…di ba nya alam na matagal na akong di masaya… nagpapakamanhid na lang at nagpapakatanga ang ginagawa ko para sa anak ko… gusto kong magwala talaga… oo magwala ng todo-todo yung malalabas ko lahat ng sama ng loob ko. lahat na lang ng ipinagpapaalm ko di pwede dinaig pa ang nanay at tatay ko sa kahigpitan.

kung ang aso nga pag sobra ang higpit ng tali sa leeg nagwawala tao pa kaya na may sariling isip. oo may sarili naman akong isip pero minsan parang walang silbi na din..ayaw ko na as in ayaw ko na talaga…. sawang-sawa na ako. konti na lang talaga….

tukso layuan mo ako!!!!

•Abril 2, 2008 • Mag-iwan ng Puna

sa buhay natin marami tayong tanong na kadalasan mahirap hanapan ng kasagutan. madalas wala tayong makitang tamang sagot sa tanong. parang mahirap yun diba? mahirap yung tanong mo sa sarili mo tapos ikaw pa din ang sasagot. minsan sa dami ng sagot na naiisip natin di natin malalaman kung alin ba ang tama sa lahat. medyo nakakaloko talaga ang buhay minsan hindi mo alam kung ano ba talaga ang plano para sayo. sabi nga ng iba ikaw ang gumagawa ng sarili mong buhay. pero pano kung di naman kasama sa plano mo ang dumarating sayo? ano ang purpose diba? pano kung kuntento ka na tapos biglang may darating na di mo naman inaasahan. may ganun ba talaga?

sa akin noong nakaraang taon may taong biglang dumating na hindi ko inaasahan. sa katunayan 10 years na kaming walang communication after ng break-up namin noong college. hanggang sa may nabuo na akong family. tapos ito at nagkita na naman kami ule. para kaming mga teenager.  para kaming bumalik sa pagiging estudyante. kwentuhan, asaran parang walang nagbago. ganun din ang nangyari noong march itong taon. nagkita kami ule. para kaming mga bata magdamag nagkwentuhan sa 5th flr sa building namin. umabsent sya sa trabaho para magkwentuhan lang kami ng walang katapusan. yung mga nangyari sa buhay nya ng nakaraang 10 taon napagusapan namin ganun sa akin.

nakakatuwa kasi walang nagbago. ang nabago lang wala ng magkaibigan na kami ngayon di tulad ng dati. pero nandun pa din yung pagpaparamdam nya. dinadaan ko na lang sya sa biro para walang malisya ang dating sa akin.

noong nakarang holy week nakaroon ako ng time para mag-isip. napag-isipan ko na wag ko na entertain yung ibang text nya saken.  siguro napansin din nya na ganun. medyo di na nga sya text sa akin. so ok na. may peace of mind na ako pero minsan nagtetext pa din sya.

tapos eto na naman yung first BF ko biglang nagparamdam. nagulat ako pacheck ko sa friendster ko may request sa akin. xempre iniadd ko naman. at may message din. ano na naman to pagtapos ma solve ang isang problem  at ito na naman.

ano ba to multo? bumabalik ang nakaraan? panibagong panggulo na naman ba to? panibagong problema? bakit ganun hindi ba pwede na pag dumaan na sila sa mga buhay natin eh wag na silang bumalik? guguluhin na naman ang nananahimik na? ako di ko masagot. ang masasabi ko lang be nice na lang sa kanila tutal wala naman silang ipinapakitang hindi maganda. mababait pa din naman sila…

our adventure day!!!

•Abril 2, 2008 • Mag-iwan ng Puna

kahapon nagkita-kita kami ng mga kadepartamento ko sa may ayala MRT. dun and miting place namin. pupunta kasi kami sa lamay. quarter to 7am nandun na ako. para akong pokpok dun na may inaantay na costumer. ang tagal ng mga kasama ko. medyo naiinipat inaantok pa ako. nagdatingan sila mga pass 7 na. nang mabuo ang aming grupo larga na kami papunta sa burol ng tatay ng isang kasamahan nain sa opis.

una on ang byahe namin. kwentuhan, tawanan kung saan-saan na padpad ang usapan namin. dumaan kami sa may tapat ng cebu pacific kasi may pi0pick-apin na pad sabay kumain na din ang mga SC sa jobe tapos alis agad. nakarating kami sa burol mga 9 am na. nagdasal kami ng rosario. medyo na pagka komede pa. habang nagdadasal tumunog ang co nung namumuno biglang ipinasa na opismayt ko ang rosary biglang umayaw kasi hindi naman sya katoliko. sabay abot sa isang may edad na. tapos sagutin ang cp kuha ulet ang rosary deretso ang pagdadasal hanggang matapos.

kumain sila ng mga kutkutin ako hindi kasi hindi ko talaga ugali kumain sa may patay. maarte? ewan basta hindi ako kumakain sa may patay.

umalis kami ng 10am ang layo ng narating namin sumama pa kasi kaming mag-field wala kaming choice kasi nakikisakay lang kami sa car nya. tanghali na at gutom na lahat. ako hilong-hilo na sa gutom marahil at isa pa sa sinasakyan namin. pano ba namang hindi ka mahihilo eh pag promeno sasama kat at mangungudngod sa katabi mo. sa likod kasi kami sumakay so mukha kaming bagahe. at kaskasera pa ang driver namin. para kaming nakasakay sa roller-coaster…  sa wakas nga 2pm nakarating kami sa opisina. bigla akong bumaba sa sobrang nasusuka na ako at nahihilo. nagdidilim na din ang paningin ko.

lahat pala kami iisa lang ang idinadaing nahihilo. siguro di sa gutom yun. malamang sa pagsakay sa sasakyan. at pagtapos ng trabaho para pang may after effect ang pagsakay namin sa kanya pakiramdam ko ganun pa din…

sobrang pagod ang araw na yun. para akong nanlalata pagdating ko sa bahay at parang ayaw kong kausapin mga tao sa bahay.

what a dream!!!

•Marso 31, 2008 • 1 Puna

kahapon araw ng linggo, natural na walang pasok. araw ng pahinga. ako yun ang araw ko para magbawi ng tulog. magigising ng medyo tanghali at matutulog matapos makapananghalian. ganun ang routine ko pag linggo.

kahapon matapos makapananghalian xempre pa pagtulog uli ang pinagkaabalahan ko. sa sobra yatang pagod  at puyat sa nakaraang linggo madali akong nakatulog. hanggang sa managinip ako. medyo malabo yung iba basta ang malinaw nasa beach kami yung ibang kasama sa paniginip ko hindi ko kilala. naghahanap daw kami ng resort. may nakita daw kami pero bakit sa tubig dagat may mga punong nakalihera at ang tubig sobrang mababaw lang. naguluhan naman din ako sa akong panaginip.

eto pa ang isa biglang nagbago ang setting sa may car naman daw. at ang kausap ko si richard guttierez lang naman.. ang ganda ng usapan namin para kaming couple… nang biglang pakiramdam ko pinagpapawisan na ako at mainit.. nagising ako brownout pala. waaaahhh akala ko totoo na. pagkagising ko parang may hung over pa ako sa panaginip ko. di ko naman iniisip si richard bat sya ang napanaginipan ko? hay…..panaginip lang pala… 

big question???

•Marso 28, 2008 • Mag-iwan ng Puna

madalas madali akong maniwala sa mga sabi-sabi ng iba… pero xempre meron ding dapat pag isipan at imbestigahan bago maniwala.

noong nakaraang linggo nasa probinsya ako para magbakasyon araw ng martes. may kagimbal-gimbal na balita na bumulabog sa buong kumpanya namin. pano ko nalaman? may isang taong nag text sa akin para balitaan ako…di ko na lang sasabihin ang buong kwento.. nung nabasa ko ang text bakit ganun ang naramdaman ko? hindi ako kumbinsido sa nangyari parang hindi totoo.. parang palabas lang lahat… hanggang sa nakauwi ako dito sa manila at pumasok sa trabaho. nagtanong-tanong ako tungkol sa nangyari pero hindi talaga ako naniniwala. oo medyo hindi kami in good terms nung tao na  “na-kidnap” daw. pero dapat kahit na ganun may mararamdaman pa din akong pag-aalala kahit pano. ang problema ay wala talaga… at ang masama dito pinag-iisipan ko pa sya ng hindi maganda.. alam ko mali yun.. kung totoo man o hindi..

kasi naman po matapos pangyayaring yun noong nakaraang linggo at eto gusto na nyang magtrabaho uli ”field work” kasi sya. kinausap nya ang production manager at HR namin. pero hindi sya pinayagan.

sabi nya nagkatrauma daw sya.. ang tanong ko lang ganun ba ang may trauma? sa pagkakaalam ko hindi ganun… o masyado lang akong mapaghinala sa tao? adik? pero hindi pa din eh.. madaming tanong na malabo pa din ang sagot.

ang trauma na nangyari sa kanya “ threat to life or safety”. pero sa nakikita at naoobserbahan ko parang wala lang sa kanya. parang walang nangyari ganun pa din ang pag-uugali nya. madaldal, kinukwento pa din nya sa mga kasamahan naming SC kung ano ang nangyayari sa bahay at buhay nilang pamilya.

may ganun ba talaga? siguro nga kakaiba ang pagmamaneho nya sa buhay nya. siguro malakas sya para harapin ang ganung pangyayari sa buhay nya.. pero base  sa pagkakakilala ko sa kanya bilang isang empleyado at isang tao hindi sya ganun kalakas para harapin ang pagsubok na dumarating sa kanya…

pero magkaganun man totoo o hindi ang “kidnap” mabuti at walang nangyaring masama sa kanya… thank god….

ang bagong bahay…

•Marso 27, 2008 • Mga Puna

eto na naman sa haba ng panahon na pag iisip ko kung gagawa uli ng bagong bahay ay eto na nga ang aking napagdesisyunan. meron na akong bagong tayong bahay… nakakamiss din pala kahit na alam kong walang wenta ang aking pinagsusulat pero alam kong sa ganitong paraan nababawasan at nailalabas ko kung ano ang nasa loob ko… (drama) pero totoo yun. lalo na pag may kinaiinisan ako at di ko naman pwedeng awayin dito ko sinusulat, pag may bago at kakaibang nangyayari sa buhay ko dito din, mga opinyon ko at marami pang iba…

sana sa bagong buhay na to di na ako sumpungin ng katamaran ko. nawalan kasi ako ng gana noon sa sobrang di ako makapag sulat at makadalaw sa ibang blog na gusto ko ng puntahan kasi sa sobrang busy busy din naman ako ngayon pero sana magkaroon pa din ako ng time. alam ko kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. at sana wag akong magkaroon ng dahilan na tumigil uli…

at sana din marami akong maisulat this time…

gudlak sa akin