ang bagong bahay…

eto na naman sa haba ng panahon na pag iisip ko kung gagawa uli ng bagong bahay ay eto na nga ang aking napagdesisyunan. meron na akong bagong tayong bahay… nakakamiss din pala kahit na alam kong walang wenta ang aking pinagsusulat pero alam kong sa ganitong paraan nababawasan at nailalabas ko kung ano ang nasa loob ko… (drama) pero totoo yun. lalo na pag may kinaiinisan ako at di ko naman pwedeng awayin dito ko sinusulat, pag may bago at kakaibang nangyayari sa buhay ko dito din, mga opinyon ko at marami pang iba…

sana sa bagong buhay na to di na ako sumpungin ng katamaran ko. nawalan kasi ako ng gana noon sa sobrang di ako makapag sulat at makadalaw sa ibang blog na gusto ko ng puntahan kasi sa sobrang busy busy din naman ako ngayon pero sana magkaroon pa din ako ng time. alam ko kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. at sana wag akong magkaroon ng dahilan na tumigil uli…

at sana din marami akong maisulat this time…

gudlak sa akin

~ ni bhang26 sa Marso 27, 2008.

2 Tugon to “ang bagong bahay…”

  1. welcome back he..he..
    korek ka dyan friendship magandang outlet ang blog.kaya keep on blogging

  2. sana nga mag-tuloy-tuloy na to alam mo naman laging toxic… mapagpanggap sa work…

Mag-iwan ng Tugon