big question???
madalas madali akong maniwala sa mga sabi-sabi ng iba… pero xempre meron ding dapat pag isipan at imbestigahan bago maniwala.
noong nakaraang linggo nasa probinsya ako para magbakasyon araw ng martes. may kagimbal-gimbal na balita na bumulabog sa buong kumpanya namin. pano ko nalaman? may isang taong nag text sa akin para balitaan ako…di ko na lang sasabihin ang buong kwento.. nung nabasa ko ang text bakit ganun ang naramdaman ko? hindi ako kumbinsido sa nangyari parang hindi totoo.. parang palabas lang lahat… hanggang sa nakauwi ako dito sa manila at pumasok sa trabaho. nagtanong-tanong ako tungkol sa nangyari pero hindi talaga ako naniniwala. oo medyo hindi kami in good terms nung tao na “na-kidnap” daw. pero dapat kahit na ganun may mararamdaman pa din akong pag-aalala kahit pano. ang problema ay wala talaga… at ang masama dito pinag-iisipan ko pa sya ng hindi maganda.. alam ko mali yun.. kung totoo man o hindi..
kasi naman po matapos pangyayaring yun noong nakaraang linggo at eto gusto na nyang magtrabaho uli ”field work” kasi sya. kinausap nya ang production manager at HR namin. pero hindi sya pinayagan.
sabi nya nagkatrauma daw sya.. ang tanong ko lang ganun ba ang may trauma? sa pagkakaalam ko hindi ganun… o masyado lang akong mapaghinala sa tao? adik? pero hindi pa din eh.. madaming tanong na malabo pa din ang sagot.
ang trauma na nangyari sa kanya “ threat to life or safety”. pero sa nakikita at naoobserbahan ko parang wala lang sa kanya. parang walang nangyari ganun pa din ang pag-uugali nya. madaldal, kinukwento pa din nya sa mga kasamahan naming SC kung ano ang nangyayari sa bahay at buhay nilang pamilya.
may ganun ba talaga? siguro nga kakaiba ang pagmamaneho nya sa buhay nya. siguro malakas sya para harapin ang ganung pangyayari sa buhay nya.. pero base sa pagkakakilala ko sa kanya bilang isang empleyado at isang tao hindi sya ganun kalakas para harapin ang pagsubok na dumarating sa kanya…
pero magkaganun man totoo o hindi ang “kidnap” mabuti at walang nangyaring masama sa kanya… thank god….

Mag-iwan ng Tugon