what a dream!!!
kahapon araw ng linggo, natural na walang pasok. araw ng pahinga. ako yun ang araw ko para magbawi ng tulog. magigising ng medyo tanghali at matutulog matapos makapananghalian. ganun ang routine ko pag linggo.
kahapon matapos makapananghalian xempre pa pagtulog uli ang pinagkaabalahan ko. sa sobra yatang pagod at puyat sa nakaraang linggo madali akong nakatulog. hanggang sa managinip ako. medyo malabo yung iba basta ang malinaw nasa beach kami yung ibang kasama sa paniginip ko hindi ko kilala. naghahanap daw kami ng resort. may nakita daw kami pero bakit sa tubig dagat may mga punong nakalihera at ang tubig sobrang mababaw lang. naguluhan naman din ako sa akong panaginip.
eto pa ang isa biglang nagbago ang setting sa may car naman daw. at ang kausap ko si richard guttierez lang naman.. ang ganda ng usapan namin para kaming couple… nang biglang pakiramdam ko pinagpapawisan na ako at mainit.. nagising ako brownout pala. waaaahhh akala ko totoo na. pagkagising ko parang may hung over pa ako sa panaginip ko. di ko naman iniisip si richard bat sya ang napanaginipan ko? hay…..panaginip lang pala…

kainis naman yung brown-out nakaw eksena
————–
oo kaninis talaga nabitin tuloy ako sa panaginip ko.