tukso layuan mo ako!!!!
sa buhay natin marami tayong tanong na kadalasan mahirap hanapan ng kasagutan. madalas wala tayong makitang tamang sagot sa tanong. parang mahirap yun diba? mahirap yung tanong mo sa sarili mo tapos ikaw pa din ang sasagot. minsan sa dami ng sagot na naiisip natin di natin malalaman kung alin ba ang tama sa lahat. medyo nakakaloko talaga ang buhay minsan hindi mo alam kung ano ba talaga ang plano para sayo. sabi nga ng iba ikaw ang gumagawa ng sarili mong buhay. pero pano kung di naman kasama sa plano mo ang dumarating sayo? ano ang purpose diba? pano kung kuntento ka na tapos biglang may darating na di mo naman inaasahan. may ganun ba talaga?
sa akin noong nakaraang taon may taong biglang dumating na hindi ko inaasahan. sa katunayan 10 years na kaming walang communication after ng break-up namin noong college. hanggang sa may nabuo na akong family. tapos ito at nagkita na naman kami ule. para kaming mga teenager. para kaming bumalik sa pagiging estudyante. kwentuhan, asaran parang walang nagbago. ganun din ang nangyari noong march itong taon. nagkita kami ule. para kaming mga bata magdamag nagkwentuhan sa 5th flr sa building namin. umabsent sya sa trabaho para magkwentuhan lang kami ng walang katapusan. yung mga nangyari sa buhay nya ng nakaraang 10 taon napagusapan namin ganun sa akin.
nakakatuwa kasi walang nagbago. ang nabago lang wala ng magkaibigan na kami ngayon di tulad ng dati. pero nandun pa din yung pagpaparamdam nya. dinadaan ko na lang sya sa biro para walang malisya ang dating sa akin.
noong nakarang holy week nakaroon ako ng time para mag-isip. napag-isipan ko na wag ko na entertain yung ibang text nya saken. siguro napansin din nya na ganun. medyo di na nga sya text sa akin. so ok na. may peace of mind na ako pero minsan nagtetext pa din sya.
tapos eto na naman yung first BF ko biglang nagparamdam. nagulat ako pacheck ko sa friendster ko may request sa akin. xempre iniadd ko naman. at may message din. ano na naman to pagtapos ma solve ang isang problem at ito na naman.
ano ba to multo? bumabalik ang nakaraan? panibagong panggulo na naman ba to? panibagong problema? bakit ganun hindi ba pwede na pag dumaan na sila sa mga buhay natin eh wag na silang bumalik? guguluhin na naman ang nananahimik na? ako di ko masagot. ang masasabi ko lang be nice na lang sa kanila tutal wala naman silang ipinapakitang hindi maganda. mababait pa din naman sila…

Mag-iwan ng Tugon