badtrip…. nyeta talaga!!!

akala ko maganda ang araw na ito para sakin. hindi naman pala at sobrang nakakabadtrip talaga.

kanina habang busy akong magwork lumapit sakin ang isang kaopisina ko. akala ko kung anong importanteng sasabihin nya niyayaya lang pala ako sa swimming para bukas. gusto ko talaga sumama kasi naman bihira lang akong makalabas ng bahay at kasama ang ibang kaibigan. sabi ko magpapaalam muna ako.

nagtext ako sa tatay ng anak ko para magpaalam. na niyayaya akong sumama ng ofismayt ko para mag-swimming overnyt yun. ang nakakainis ang dami pang sinabi na di maganda di na lang ako diretsuhin na ayaw di yung kung ano-ano pang masasakit na sinabi. at ang masama pa inaakusahan pa ako sa hindi ko naman ginagawa. diba talagang asar pag ganun.? napakitid ng utak. tapos ang isa pang kinaaasar ko papiliin ba ako between sa kanya at sa ofismayt ko. tama ba naman yun? kundi ba naman kakitiran ng utak. na meron pang ganito may anak ka na lalabas ka pa sinong mag-aalaga ng anak mo? kaya nga may yaya eh anong silbi ng yaya kung di sya mag-aalaga.

ganun ba talaga pag may anak ka na? wala ka ng karapatan sa lahat? wala kang karapatang lumabas at magliwaliw minsan? na di ka dapat pagkatiwalaan? unfair naman yun diba?

tapos pagdating sa pera ku-kwentahan ka pa. hellllooooo……… nagta-trabaho din naman ako. wala ba akong karapatang gumastos?

nakakabadtrip talaga….ang hirap ng taong di makaintindi at sarili lang ang iniisip…di ba nya alam na matagal na akong di masaya… nagpapakamanhid na lang at nagpapakatanga ang ginagawa ko para sa anak ko… gusto kong magwala talaga… oo magwala ng todo-todo yung malalabas ko lahat ng sama ng loob ko. lahat na lang ng ipinagpapaalm ko di pwede dinaig pa ang nanay at tatay ko sa kahigpitan.

kung ang aso nga pag sobra ang higpit ng tali sa leeg nagwawala tao pa kaya na may sariling isip. oo may sarili naman akong isip pero minsan parang walang silbi na din..ayaw ko na as in ayaw ko na talaga…. sawang-sawa na ako. konti na lang talaga….

~ ni bhang26 sa Abril 3, 2008.

Isang Tugon to “badtrip…. nyeta talaga!!!”

  1. close ur eyes…hingang malalim…buga! Be sure katatapos lng magtoothbrush…he..he relaks lng friend wala tlagang perfect n relasyon,dumadating tlaga ung time n di kau magkakaintindihan but if u love each other maaayos dn yan. Weigh things,kung sa tingin mo ay masyado na syang abusive then start draw the line,pero kng kaya p nmang ayusin,then have ample time,magpahinga kong kailangan bgo muling pag-usapan lhat.

    —————
    thanks sa iyong makapagdamdaming advice.. hehe
    pero alam mo matagal ko ng ganawa yang sinabi mo kaya lang kasi ayaw kong magmukhang masama sa mata ng mga magulang ko may nagawa akong kasalanan sa kanila noon so im trying to prove to them na kaya ko and we’re ok pero nasasaktan na talaga ako emotionally…
    but i know someday magagawan ko to ng paraan…

Mag-iwan ng Tugon